lifestyle_hero_img

Batang Negosyante: Gen Z Influencer na, PC Dealer Pa!

Jun 02, 2026

In a world where hustle culture is the new norm, trending ang mga kabataang hindi natatakot mag-explore ng iba’t ibang opportunities at side hustle, tulad ni July Anne Miro. Sa edad na 21, hindi lang siya basta estudyante, isa rin siyang influencer, dancer, at entrepreneur. Dealer din siya ng Personal Collection at kabilang sa mga top sellers sa Tagbilaran, Bohol. At a young age, malinaw na ang kanyang goal: to thrive in life at help her family experience a great life.
 

From Humble Beginnings to Big Dreams

Lumaki si July sa simpleng pamumuhay sa probinsya—malayung-malayo sa maginhawang buhay na tinatamasa nila ngayon. Noon, wala silang sariling bahay at madalas ay palipat-lipat ng tinitirhan. Hindi rin sumasapat ang kita ng kanyang ama na isang call center agent at ng kanyang ina na saleslady sa mall, kaya naman madalas nagtatalo ang kanilang magulang lalo na pagdating sa pera. Ngunit nagbago ang lahat nang hikayatin ng kanyang papa ang mama niyang si Leonida na maging dealer sa Personal Collection. Kwento ni July,
 

“Si papa ang mas gustong mag-PC, hindi si mama”. Sabi ng mama ko, ay ‘wag, hindi ko kaya ‘yan. Pero napapayag din s’ya ni papa. Naging successful ang kanyang PC business sa tulong na rin ni papa.”
 

Hindi nila lubos akalain na malaki ang mababago ng PC sa takbo ng kanilang pamumuhay. Bukod sa nagkaroon sila ng matatag na hanapbuhay, naitaguyod rin nila ang pag-aaral ng magkakapatid, nakapagpatayo ng sariling bahay, at unti-unting natikman ang ginhawa sa buhay. Kaya ganuon na lang kalaki ang pasasalamat at pagpapahalaga nila sa kanilang PC business.

Read More