lifestyle_hero_img

Breaking Barriers: From Shy Gen-Z to Great Life Executive

Jun 03, 2026

Carolina “Carol” Canlas, 24 years old, is a living testament of courage and determination,  despite being an introverted Gen Z. Kahit siya ay kimi at mahiyain, nagawa pa rin niyang mag-succeed bilang PC dealer para sa mas magandang future ng kanyang pamilya. Her story is full of challenges, hope, and inspiration, especially for the younger generation.

Mula pagkabata, mababa na ang self-esteem ni Carol dahil isinilang siyang may cleft lift at cleft palate, at dala na rin ng kanilang kahirapan. Pangatlo siya sa limang magkakapatid at kasalukuyang naninirahan sa Valenzuela. Dating labandera ang kanilang inang si Paulina at pedicab driver naman ang ama nilang si Cornelio. Dalawang beses lang sila kung kumain sa isang araw—tanghalian at hapunan. Madalas ay sabaw lang ng mami mula sa kapitbahay ang pinang-uulan nila kaya masasabing mas marami ang kulang sa buhay nila kesa sa meron.

 

Hope Amidst Challenges

Pero sa kabila ng kahirapan, patuloy silang lumalaban at nangangarap ng magandang buhay. Pumapasok silang magkakapatid sa school kahit walang laman ang tiyan para lang magkaroon ng laman ang isipan. Maging ang pambu-bully sa kanya ng kanyang mga kaklase ay pinili niya ring tiisin. Kahit kasi dumaan na sa constructive surgery ang kanyang labi nuong siya’y bata ay hindi pa rin siya nakaligtas sa panunukso ng iba. Kaya naging kimi at mailap siya sa mga tao.

 

Lalo pa silang nabaon sa kahirapan nang magkasakit ang kanilang ama. Hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral si Carol nang matapos niya ang junior high school. Natigil rin sa pag-aaral ang iba pa niyang mga kapatid. Sa murang edad ay nagtrabaho na lamang sa pabrika si Carol para makatulong sa pamilya. Gayunpaman, nanatili sa kanyang puso ang pagnanais na makapagtapos ng kursong Information Technology.  

Pangarap din ni Carol na magkaroon ng sariling bahay para hindi na sila palipat-lipat ng inuupahan. Naranasan kasi nilang palayasin dahil walang pambayad ng renta.

 

Read More